Kung ibebenta ni Jennyfer ang kuwento ng kanyang buhay sa Maalaala Mo Kaya, tiyak mabibili ito. 'Yong kwento na hahanga ka sa kanya at the same time ay maiinis. Ako, nainis sa kanya. Eh, bakit ba naman? Ikukuwento ko sa n'yo. Ipapakilala ko muna ng konte si Jennyfer.
Si Jennyfer, 39 ang edad, iukinasal sa edad na 19, guro, isang ina, dating may asawa, inapi, naghahanap ng kalinga at pagmamahal.........nagmamahal.....
Si Jennyfer, aking nakilala at nakasama dito sa Gitnang Silangan. Magkasama kami sa trabaho at sa bahay. Lage kami magkakuwentuhan, tawanan at magkasama sa mga galaan. May dalawang anak, hiwalay sa asawang nangibang bahay, maganda at marunong magluto. Sa aking palagay, siya din ay stubborn sa ibang aspeto, pero we get along. Marami kaming mga araw ng pagkukuwentuhan ay ang tungkol sa naging buhay nya sa poder ng biyenan nya.
Ito ang una naming napagkuwentuhan over lunch.
Jennyfer: Alam mo ba noong nasa bahay na kami ng biyenan ko, kapag bumabati ako ng Magandang Umaga .., isasagot ng biyenan ko'ng babae.. "Anong mganda sa umaga?"
Ako: Hah?! ganun talaga?
Jennyfer: Tapos pag magsasaing na tatanungin ng katulong kung ilang gatang na bigas ang isasaing, "tatlo lang kuno kase apat lang naman tau." Pero lima kami dun ha, hindi ako kasalli sa bilang sa pagsasaing.
Bakit ba ganun ang trato sa kanya ng mga biyenan nya? Sa napag alaman ko, may kaya ang pamilya ng lalaking pinakasalan nya. Nasa pulitika ang ama. Marami diumanong kilala na malalaki at mayayamang tao. So, kaya pala mapagmataas. Napasok ng hangin ang ulo.
Medyo naiinis na ko sa kwento so, tinanong ko na lang yong medyo nakakakilig na mga panahon nila. He,he,he..syempre masarap din pag usapan un.
Jennyfer: Naku, 'yong first night namin sa hotel sa city namin, nakakatawa at ang sakit talaga ha!!
Ako: Hahahaha, masakit talaga yon, di ba?
Jennyfer: Ay tangek! Masakit! As in! Madulas ba naman ako sa CR ng hotel! Magkasabay kami naliligo tas nadupilas ako! Bagsak ako, una ang puwet!
Sabay kaming nagkatawanan: At sabay din na natahimik. Binasag ni Jennyfer ang katahimikan ng isang malalim na buntong-hininga at pagtikom ng maninipis na mga labi. Tahimik at mabigat ang kalooban ko'ng binuhat ang aking pinagkainan at tumuloy sa kusina upang maghugas ng plato.
Sa mga araw na nagkaka-huntahan kami napag alaman ko na nasa Gitnang Silangan din ang asawa nya. May dalawa ng naka live-in. Gustong-gusto na nyang sumama sa asawa nya sa abroad kasama ang kanilang mga anak pero ayaw ni Ronnie (di-tunay na pangalan ng asawa nya). Kesyo, ano daw ba ang gagawin nya sa mainit na lugar na ito. Na walang makukuhang trabaho dito.
Jennyfer: Alam mo, naniwala ako na maliit lang ang sweldo nya dito. Ang pinapadala lang nya sa amin sa 'Pinas, Php 5,000 lang kada buwan sa matagal na panahon. Yon pala, malaki ang sweldo nya dito dahil sa gobyerno siya nagta-trabaho. Ginawa nila akong tanga. At least ngayon, napatunayan ko n sa kanya na may makukuha akong work dito sa lugar kung nasaan sya. Alam ko, nakarating na sa kanya na andito din ako. 'Yong kasunduan dati na suporta nya sa mga anak namin, 1 month lang siya tumupad, pagkatapos nun wala ng padala.
Ako: Bakit kaya ganun? (Natanong ko lang kase wala na ako masabi at maisagot kundi ito lang)
Jennyfer: E kase nga gawa ng mga babae nya. Ang dami nya utang sa credit card.
Napatango na lang ako.
Jennyfer: Dati nasa pulitika din ang anak ko, SK Chairman siya. Nasira ang pag aaral ng anak ko. Nag-iba ang ugali. Dinuduro-duro pa ko ng lolo nya sa harap ng eskwelahan ng anak ko. Bakit ko daw pinabayaan ang anak ko? Wala, nakatingin lang ako sa kanya nun, wala ako sinabi. Ni lumuha hindi ko ginawa. Pinamanhid nila mag anak ang puso ko.
Ako: E, bakit nga ba ganun?
Jennyfer: Paano ako makikialam, lahat ng desisyon nila hindi sinasabi sa kin kase tanga ako.. Yon ang sabi nila. Wala daw ako alam. Wala akong say sa household nila. In short, para sa kanila indi ako nag-e-exist.
Ako: Buti na lang nakapag aral ka no kahit maaga ka nag asawa.
Jennyfer: Naku, sarili kong pamamaraan ang ginamit ko para lang makapag aral. Kung saan-saan ako nag aaply ng scholarship para maipakita ko sa kanila at sa nanay ko na kahit may asawa ako ay makakatapos din ako ng pag aaaral. Wala ni singko ginastos ang asawa ko sa kin. Ay, yong litsong baboy pala ang gastos nya nung graduation ko na.
Ayon sa kwento nya, lage din sila nagaaway ng asawa nya. May pagkakataon pa na nakakita si Jennyfer ng shabu sa wallet ng asawa nya. Naging kaibigan pa nya ang naging ka-live in ng asawa nya sa abroad. Yong mga gamit nila sa bahay ay binabato pag nagagalit asawa nya. Kung ano masalo nya, safe ang gamit. :)
Jennyfer: Grabe 'yong emotional torture ng dati kong asawa sa kin bukod pa yong naranasan ko sa pamilya niya. Kaya ngayon, wala na akong tiwala sa mga lalake. Nagkaka-boyfriend naman ako after ng hiwalayan namin pero pag sinasabihan na akong mahal ako, lumalayo na ko. Di ko na kayang masaktan.
Dito sa kalapit na building namin ay may Pilipino na supervisor ng isang division ng kumpanya namin. Sa kadaldalan ko, naging kaibigan namin sina Rudy, Willy at Pete. Si Rudy after 3 days kinuha ang number ni Jennyfer sa akin. With Jennyfer's consent, ibinigay ko. Kababayan e, mababait kami sa mga kabayan.
Dalawang buwan na masigasig na nanligaw si Rudy. May 2013, she gave in. They were so happy as a couple. Rudy is a married man. Hiwalay din sa asawa. May 2 ding anak. So much plans were made. They were talking of annulment for both of them. Until.................
August 5, 2013.. Jennyfer received a viber message from +818............. the number was from Japan. Allegedly from the girlfriend of Rudy. Jennyfer was so sad. Rudy came to our villa to make some explanations. The girl from Japan was his ex-girlfriend he said. Jennyfer believed him.
The morning of August 6, the girl from Japan texted her again. They talked about Rudy and the real relationship they have.
Mid-morning pumasok si Jennyfer sa room ko.
Ako: O, ano na?
Jennyfer: It is confirmed.
Pumiyok ang boses nya, alam ko nagpipigil siya umiyak. Nababanaag ko ang munting butil ng luha sa kanyang mga mata.
Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, " Oo, girlfriend daw sya ni Rudy. More than a year na sila. At siya ang nagpadala ng mamahaling sapatos at relo kay Rudy. Yong pundasyon ko ng tiwala para sa mga lalake ay nahipan na naman ng hangin. Nawala na naman."
Naisantabi ang incident na ito dahil may plano na kami na magpunta sa sealine para magliwaliw konte. Walang pasok ang mga tao dahil sa Eid Holidays. Ayaw ko mapahiya si Rudy sa kanyang mga tauhan sabi ni Jennyfer.
Gabi ng August 9, bumaba si Rudy ng hagdan. Maka-ilang saglit sumunod si Jennyfer void of any emotion, defiant, and so sure of herself. Rudy while sitting on the couch, made series of calls. I can hear him called up his driver. But there was no available car to bring him to his house.
While in front of my computer in the dining table, Jennyfer mouthed to me. "Finished." I nodded and headed to my room. I kept my door open, not to eavesdrop. I am cautious. If something happened I will be at Jennyfer's side at once.
I continued playing Candy Crush Saga in my room. Then, I heard muffled cries and inaudible words. I knew, it was them. Their cries made my heart so lonely, their cries made my tear fell. I slowly closed the door of my room.
Maybe it is really love they feel for each other. I hope that their search is now over. I hope that it will be a happy ever after for them.
No comments:
Post a Comment