Noong napanood ko ang video na 'to, naisip ko lang " may mga tao pala talaga na nagpapakasaya sa pera na nanggaling sa kanilang kababayan, na pera na dapat ay para sa taong bayan."
Sigurado milyong piso ang ginastos sa okasyong ito. Na galing sa kaban ng Pilipinas. Hay naku, yong mga senador kaya. magkano ang nakuha din kasabwat ni Janet Napoles? Buti nakakatulog pa sila habang naglulunoy sa pera ng mga pinoy.
Granted na galing sa pagpapagod ng businesswoman na si Janet Napoles ang ginastos sa lahat ng luho ng anak niya, gaano kaya sila kayaman no?
Nadadamay tuloy ang mga anak nya sa eskandalo na ginawa nila. E, ang ganda pa naman nitong si Jeane Napoles at matalino dahil ayon sa balita ay nagtapos ng magna cum laude sa kanyang kinuhang kurso sa America.
Panalangin ko lang ay manaig ang katotohanan.
No comments:
Post a Comment