Friday, February 10, 2017

Ang Kasakiman Ni Jonel Gallardo: Jonel Gallardo's Greed former Sales Manager of Harmony Homes San Pedro, Laguna

Note:  This blog is all about Jonel Gallardo, former Sales Manager of Harmony Homes Inc.  San Pedro, Laguna /Lica Land Inc.


Photos taken from Harmony Homes San Pedro Office

Taong 2015 nagpasya kaming magkakapatid na kumuha ng bahay na huhulugan sa Harmony Homes San Pedro Laguna.  Nakausap namin si Jennifer Stefany Cordero.  Nagkasundo kami sa bahay na kukunin at sa presyo.  Nagkapirmahan at nagkabayaran ng reservation fee na nagkakahalaga ng Php 15,000.00.

Makalipas ang isang buwan, nabalitaan namin na nag resign si Jen Cordero sa  indi malamang kadahilanan.  Sa kanyang pagreresign, nag take-over and Sales Manager na si Mr. Jonel Gallardo.  Maayos siyang makipag-usap. Magalang at malumanay magsalita.  Nagtiwala kami sa kanya.  Sabi nya, sa kanya daw magbabayad ng monthly installment ng equity ng bahay since wala pang opisina ang Harmony Homes sa San Pedro, Laguna.  Tiwala kami, so sa kanya kami nagbabayad buwan-buwan ng monthly equity namin na nagkakahalaga ng Php 20,000.00.  Hindi kami nakakalimot na humingi ng resibo buwan buwan.  May mga pagkakataon na binibigyan kami ng acknowledgement receipt pero the next month o same month ay ipinaaalala namin sa kanya ang resibo.

Sa pagpasok ng 2016, nagkaroon na ng opisina ang Harmony Homes sa Harmony Village Mall.  Pinayuhan kami na magbayad na lang sa banko sa account ng Harmony Homes.  Na siya naming ginawa.

Buwan ng Pebrero 2017, nakatanggap ang kapatid ko ng tawag mula sa Residential Project Manager ng Harmony Homes.  Sinasabi na ang aming account ay hindi updated ang monthly payment. Na kulang kami ng 13 buwang hulog.

Hindi nagre-remit ng pera sa Lica Land si Mr. Jonel Gallardo.

Dahil sa andito ako sa Pilipinas, tumawag ako sa main office ng Lica Land Inc. sa Mandaluyong.  Napag alaman ko na may kaso si Jonel Gallardo.  Ayon sa nakausap ko, tumawag ako sa opisina ng Harmony Homes sa teleponong 8022962.  Nakausap ko ang Sales Admin at pinatunayan nya na hindi na nga konektado si Jonel Gallardo sa Lica Land Inc.

Bigla ako nanlumo at napaiyak sa pangyayari.  Paano na ang aming pinaghirapang magkakapatid? Mawawalan ba ng saysay ang aming pagsusumikap na magkaroon ng sariling bahay?

Ang opisina ng Harmony Homes ay nagtakda ng pagpupulong sa opisina ng Harmony Homes San Pedro, February 9, 2017.  Pinadadala sa akin ang mga resibo at ang iba pang papeles na may kaugnayan sa pagbili ng bahay.

Ang project manager na si Ms. Marj ay isang istrikto, marunong at masayahing babae.  Maayos ang aming paguusap.  Isa-isa niyang inanalisa ang mga resibo,  Kapag-kuwa'y sinabi.  "Wag po kayong mag-alala, wala po kayong babayaran, hindi kayo ang hahabol kay Jonel.  Kami ang hahabol sa kanya."  Nabunutan ako ng alalahanin. "Salamat sa Diyos!" aking nasambit.

Nabanggit din nya na sa isang kliyente ay Php 700,000.00 ang nakuha at hindi nai remit na pera ni Jonel Gallardo.

Ako ay napapaisip lamang, bakit nagawa nya ang ganitong panloloko at kasakiman?  May asawa at anak siya na pwedeng magtamo ng kahihiyan dahil sa kanyang ginawa.  Isinakripisyo nya ang kanyang magandang trabaho dahil sa easy money.  Hindi ba ito ay isang katangahan, sobrang bobo, ganid, iresponsable at makasarili.  Wala siayng problema sa akin, pero ang ilagay sa alanganin ang kumpanya niya at ang mga tauhan nito ay isang malaking pagkakamali.  May tatanggap pa bang kumpanya sa kanya? Maaring wala na. Sinira nya ang buhay nya sa pera na madaling maubos.

As for Jen Cordero, pinapirma siya nio Jonel ng resignation letter. Pinagtulungan siya ng mga tao sa opisina pra mawala sa Harmony Homes.  Marami siyang sales.  Ang komisyon nya ay nakuha pa din ng Jonel Gallardo na ito.  Ngayon ay pinabalik ng general manager si Jen Cordero sa Harmony Homes.

Mag ingat po tayo sa pagbibitiw ng pera.  Kakilala man natin o hindi.  Lage dapat may resibo at kasulatan.  Maigi na po ang nagiingat.  Hindi natin napupulot ang pera, Pinagiipunan at pinaghihirapan natin yan.

No comments:

Post a Comment